Umpisahan natin sa bahay. Tatlo kayong magkakapatid, ikaw ang pangalawa. Inutusan ka ng ate o kuya mo iabot yung remote control ng TV na abot-kamay naman niya. Hindi mo alam kung nananamantala o ang tamad nia lang talaga. Ikaw naman, iuutos mo naman sa bunso mong kapatid. Pag hindi ka sumunod galit ka pa. Sinasamantala mo yung pagiging bata niya dahil alam mong wala siyang laban sayo.
Sa eskwelahan. May classmate kang weirdo sa paningin mo. Walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil feeling niyo nakakahiya siya kasama. Pero nalaman mo na magaling siya sa Trigonometry at English. Bihira pa naman sa tao yung magaling na sa Math, magaling pa sa English. Eh panu yan, dun ka mangmang? So ang gagawin mo, kakaibiganin mo siya. Lilibre mo lunch, wala ka pakelam kahit maubos allowance mo basta may gagawa ng assignments at projects mo. Ang masakit pa, salat sa buhay yung classmate mo kaya ikaw din gagastos para sa mga gagamitin nia sa projects nia. Sa huli, sayo pa ang credits. Parang ikaw pa tumulong sa kanya. Ikaw pa may compassion. Ikaw naman lumaki na ulo. Tssss. Mangmang na mayabang pa. At feeling mo wala kang utang na loob dun dahil sa kanya nga ang labor, ikaw naman gumastos sa lahat. Pag normal na araw siya lang magisa sa sulok. Pero pag exams at projects parang may meeting de avance at kasama siya bigla sa circle of friends. Sinasamantala mo yung pagiging mahina niya at salat sa buhay. Sige, ikaw na may pera, bobo nga lang. Dalin mo sa kabilang buhay yang pera at kayabangan mo ah.
Likas na sayo manamantala na nadala mo na kahit sa opisina. Regular employee ka na dahil akala ng mga boss mo magaling ka. Hindi nila alam, madaldal ka lang. Naniniwala ako sa kasabihan n "If you want to look smart, speak loud." Malakas nga wala namang sense. Malakas nga wala namang laman. Yung tipong may masabi lang. Pero magaling! Nakuha mo ang atensyon nila. Masaya ka na? siyempre hindi pa. Boss mo pa lang ang namanipula mo. May dumating na bagong empleyado. Since ikaw ang tenured (hmmm, big word,) ikaw ang magttrain sa kanya. Pero dahil naniniwala kang magaling ka, wala kang ginawa kundi pagtawanan siya sa mga mali siya. Bago nga siya eh. Kaya ka nga din andyan para maging guide niya. Tenured ka na diba? May nagawa kang maling report. Walang paraan para matrace kung sino nagkamali dahil madami kayo. Sasamantalahin mo yung ka-opisina mong bagong pasok. Gagawa ka ng paraan para sa kanya mapunta yung atensyon dahil nga bago siya at siya yung may posibilidad na magkamali. Ang kapal mo dun.
Dahil mapagsamantala ka na, social climber ka pa, medyo maayos ka tignan. Confident ka sa sarili mo. May nanliligaw sayong mayaman. Wala kang balak sagutin siya. Feel na feel mo lang yung panunuyo niya sayo dahil nakukuha mo lahat ng gusto mo. "Bilmokonun, Bilmokonyan" ang tipo mo. Buti sana kung ikaw lang. Eh hindi eh, damay pa yung renta ng bahay niyo. Damay pa pang-tuition at baon ng kapatid mo at pang manicure-padicure niyong mag-ina. Siyempre, dahil nanliligaw pa lang, bigay dito, bigay dun makuha ka lang. Gusto mo naman. Kasi nga, isa kang mapagsamantalang mangmang na social climber.
Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga taong ganito. Hindi ko alam kung nasan sila nung nagsabog ang Diyos ng konsensya. Tulog? Nasa last row? Hindi ko lang maatim na nagagawa nila lahat to sa kapwa nila. Sana lang huwag bumalik sa kanila yung ginagawa nila. Huwag naman sana...
No comments:
Post a Comment